…what could happen?… …a friend of yours…….. ……………..is in………………….
……..danger?
…..wierd…. ……..you cannot do……….. ……..anything about it………. ……..you’re……….. …….too far away……… …….all you can do is………..
…..PRAY……..
……..your partner for life………. ………the soulmate of your soul………. ……..amidst everything………. ………you’ve been through it all……….
……….worrying can’t do you………. ………….anything………..
….nothing……..
…..please……. ……….wait……….. ………………wait……………… ………………..wait…………….
……….wait until……… …………….things become better………..
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
wai, katatapos lang ng 2006. dami na namang naputukan. hirap pa ring mag-online gawa nung taiwan earthquake, nasira yung mga cables underwater. although, nakaka-guilty naman kung ang iisipin ko lang ay yung tungkol sa mga cable lines, siyempre kawawa din naman yung mga tinamaan ng lindol. marami ring namatay. but i have to admit, quality ang mga buildings nila sa taipei, mga breakthroughs sa engineering, konti lang ang nadamage. sana ganun din sa Pilipinas, walang dayaan pagdating sa mga construction. medyo traditional pa kasi ang point of view natin pagdating sa mga ganyan. dun pa rin tayo sa bakal + semento = building. kung mapapansin natin ang pagkakagawa ng mga building sa ibang mga bansa, may mga bearing balls pang malalaki para lang mabalance ang buong building pag lumindol. pag dito pinakita ng isang engineer yun sa Pilipinas, pagtatawanan lang siya kasi kalokohan lang yun. iisipin nila nerd ka lang na nagfi-feeling matalino. feeling nila raket mo lang yun para magkapera. also, kailangan nating i-admit, super dominant ang crab mentality dito sa Pilipinas, pag nakita nilang kakaiba at maganda ang gawa mo, mas lalo ka nilang lalaitin. kakaiba di ba? rather than praising you or even acknowledge you, they will only mock you, making you think that you’re above an average person, and you don’t belong with them worms. it’s a matter of acceptance and sense of belonging. even i experienced things like that, dati nung nasa uplb pa ako, pag tinatanong ako ng mga tao kung saan ako nag-aaral, ang sinasabi ko sa laguna. tapos, pag tinanong pa nila kung saan sa laguna, ang sasabihin ko, dun lang sa tabi-tabi. kasi pag nalaman ng mga tao na dun ka nag-aaral, iba na ang tingin nila sa ‘yo. sasabihin nila, “..taga uplb ka, e di matalino ka?…” weird, kung ang haba ng iyong penis ay nasusukat ng iyong talino, ibig sabihin, napakalaki ng kanilang penis envy. mga insecured. hindi ko nga alam kung mataas ba talaga ang expectations nila sa ‘yo o talagang hinahanapan ka lang nila ng butas para pintasan. naaalala ko nga, nakita lang ako ng kakilala ko sa mall na namamasyal ng nakatsinelas, ang sabi sa akin ay, “..taga-up ka nga…” parang tanga di ba? isa pa, hindi talaga nila alam ang ibig sabihin ng aktibista. tumatango na lang ako pag pinag-uusapan nila. akala nila basta taga-up ka, akitibista ka. mga ulol. karamihan ng mga taga-up ngayon, mga wala ng pakialam sa nangyayari sa paligid nila. sabi nga sa science, nag-aadapt ang mga species sa environment nila, ganun din sa mga estudyante. mas tahimik (hindi payapa) kasi ngayon ang paligid kaysa dati (corrupt pa rin ang gobyerno pero mas tago ngayon kaysa noon). tapos sabi nila lahat daw ng aktibista ay npa. sira-ulo, pinagyayabang pa, mali naman. i have to admit, i’m an activist in my own right, pero hindi pa naman ako komunista. hindi man ako sumali ulit sa rally, at least i do make sure na nagiging involved ang mga nasa paligid ko. at least i don’t just make them aware of what’s happening, i make sure that they have their own stand from the issue. it’s better than mag-inom ako maghapon magdamag na walang ibang iniisip kundi kung saan susuka. saka ko na ipagpapatuloy ito, nawawala na ako sa topic ng title ko…
eniweiz, siguro wala sa dictionary ang salitang Geminisces? isipin nyo na lang kung ano ibig sabihin nun, basta ako alam ko. gusto ninyong malaman?…..
kaninang hapon, nakatanggap ako ng text mula kay Vecky, sabi nya naospital daw yung ate nya. nasa ospital daw ng UST. buti na lang naka-unli ako, at mas buti na lang at globe din siya, kung hindi, e di hindi ako makakareply… sabi nya, sumakit daw ang ulo, nahihilo kaya sinamahan nya sa ospital. siyempre windangers ang bb, pero sabi nya wag ko raw tawagan kasi bawal daw ang cellphone dun. sabi kasi nya nung nagtext siya, nasa e.r. daw sila. so, sabi ko na lang itext ako pagkatapos nun. gabi na nga nung ang nagreply ay si dk. sabi nya chineck-up na lang daw siya nung doktor dun, sabi nung doctor, may imbalance daw sa ear nya, kaya lang alang ent dun ngayon kasi holiday, new year ngayon. nung nalaman ko yun , hindi na nga ako nagtaka kung pano siya nagkaroon ng ganoon, siguro kasi, isang tenga lang ang headphone nila sa callcenter, tapos baka malakas pa yung volume nung earphone. sayang nga, kasi hindi pa sya nakapagpacheck-up para sa uti nya saka ulcer. sabi nya mahal daw. oo nga, mahal dun, private kasi yung hospital na yun e. tingnan mo nga naman ang mga sakit na makukuha mo sa call center. hindi ko alam kung sapat na ba ang pinapasweldo ng mga call centers para sa mga empleyado nila. kulang pa yon pampagamot sa mga sakit na nakukuha nila e. sobrang pagod + sobrang puyat + pigil ang wiwi + pigil ang jebs + bawal kumain + bawal uminom + irregular schedules = r.i.p. grabe, gumagaling na ako sa math. i’m not against call centers, heck i even want to experience working there, kaya lang kakainin nila ang oras ko. ayoko naman ng pasok-tulog lang ang buhay ko. parang wala ka nang self-identity. yun ay kung malayo lang naman ang titirhan ko, kung malapit lang e di enjoy. kaya lang nag-ffluctuate ang schedule, medyo mahirap mag-adapt. naalala ko tuloy yung movie na, “the devil wears prada.” it is a common setting for most of our call centers here in the philippines. maybe that’s why the movie was so successful here, but not so successful. kulang kasi sa advertisement yung movie, hindi mo madalas makita yung trailer sa mga local tv stations. that movie was the youth’s favorite movie next to “the vinci code.” people these days are more open to ideas, but i’m not sure if most of them can really stand up with those ideas. maybe they are only victims of pop culture.
ei, me luvs, pagaling ka ha, hintayin kita..mwah…