…pain doesn’t matter anymore… …because no matter what you do, it still hurts…. …you cannot do anything about it… …hopeless…
…no matter how you try to avoid it…. …it always follow you…. …i don’t know… …why….
…why…
…why…
…why…
…you did your best… …not to let it reach you… …but still…. ….inevitable….
….you run away from it…. …but it still…. …follows you….
…stupid…
…stupid…
…stupid…
….you did nothing wrong…. …but still…
…painful…
…painful…
…painful…
…and stupid…
*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
nakakainis talaga, the same syndrome na naman… ala na ba talagang pag-asa ang kahibangang ito…medyo ok na ko ngayon…marahil siguro ay nasa public place ako ngayon, medyo masaya ang atmosphere…pero naiinis pa rin…ganito kasi ang nangyari…
sunday.
may usapan kami na magmimeet ng 1pm sa isang internet shop.ito ay dahil sa tutulungan ko siya magdownload ng “express scribe,” isang program na gagamitin niya sa kanyang studies.ito ang usapan namin pagkatapos naming magmeet last nyt nang hindi nya natapos ung practical exam niya sa computer subject nya na takehome, kasi kelangan nga ung program na yon. ok naman nung morning kasi excited ang buong pilipinas dahil sa laban ni manny pacquiao (para sa ‘yo ang laban na ‘to…), kaya naman tumawag ako ng mga 12 ng tanghali para maconfirm kung tuloy kami…paubos na load ko nun pero tumawag pa rin me. antagal nagriring ng phone…tapos, sinagot nya,medyo husky ung boses,”hello?” tapos sinabi nya na konti lang ang tulog nya kagabi kung kaya sinabi nya na baka pwedeng 3pm na lang ng hapon kasi sisimba kami.kaya naman tinanong ko sya kung paano na yung download?sabi nya download na rin after.medyo hindi magandang balita yun kasi nagprepare na ko ng sarili ko paalis ng haus, di ko na nasabi dahil, “tut…tut…tut…”, ubos na ang load ko.so, nanuod na lang ako ng laban ni pacman, galing talaga ng pilipino!! proud to be one for a moment.tapos medyo nagpa-late ako ng punta sa simbahan, siguro past 3:30 na ko dumating dun kasi lagi syang nagpapa-late.pag ang usapan namin ay 3pm, dadating yun ng 3:50, buzzer-beater.pero pagdating ko, ala pa sya sa simbahan, nilibot ko ang buong simbahan pero ala pa rin sya,ibig sabihin hindi pa sya dumadating. natapos ang 3pm mass, 4pm na…ala pa rin.nakatayo ako sa gilid ng simbahan, madilim ang kalangitan.pero wala pa rin.dumating ang 4:30,nagcocollect na ang mga matatandang lola ng pera for donations, pero wala pa rin.pakshyet, umulan!! medyo malakas din ang ulan.pero wala pa rin.gusto ko sana syang tanungin kung asan na sya kaya lang ala ako load.kaya, sa kalagitnaan ng ulan,kinalaban ko at inilagan ang bawat patak ng tikatik na ulan para maghanap kung san pede magpaload,pero nabigo ako, nabasa pa rin ako, at ang bawat patak na inilagan ko ay tumama lahat sa akin.shyet aym so wet!pero nd ako sumuko, naghanap pa rin ako ng pdeng paloadan, lahat halos ng puntahan kong autoload ang sabi sa kin ay,”pending po ang autoload namin e”.bullshit na pacquiao un a, nakipagsabayan pa sa kin.natraffic kasi ang lahat ng networks dahil sa pagkapanalo ni pacman.pero nakatsamba ako, nagmakaawa ako sa isang cellphone store, “hihintayin ko na lang po..” pumayag sya, at naghintay ako,ok lang, ala pa naman 5 minutes ako naghintay e, nd naman pala ganun ka’pending’.so, bumalik ako ng simbahan, ginalugad ko muna ito, pero wala pa rin sya.hindi pa rin sya dumadating.sumilong ako sa ilalim ng aircon ng opisina ng simbahan.medyo ambon na lang kaya naglakas-loob akong maglabas ng cellphone.tumawag ako,sinagot nya,
“hello? bb, asan ka na?”
“ikaw, asan ka na?!”
“andito sa bahay…”
unti-unti na akong naiinis, kumakanta na sila ng “Ama namin”, antagal ko na dun…
“tangna, kala ko ba alas-tres?! pumunta ka na dito!”
“kanina ka pa ba jan?”
hindi ko sinagot ang tanong…
“bakit anjan ka pa?!”
“bb, masakit ang ulo ko”
na naman, lagi na lang, naiinis na talaga ako…nakakabaliw makipagpatintero sa ulan pagkatapos tumayo ng matagal.lagi na lang,masakit ang ulo, ayoko mang isipin dahil alam kong hindi sya magaling magsinungaling,pero baka dahilan na lang to,gusto kong tanggapin na masakit ang ulo nya, pero di ko magawa…pilitin ko man,ayaw pa rin.kahit alam kong laging masama ang pakiramdam nya,hindi ko pa rin matanggap,marahil dahil sa mga nangyari sa kin habang hinihintay sya,mula tanghali hanggang mag-Ama Namin ang mga tao sa simbahan.may bumulong din sa isipan ko,’bakit ikaw, kahit tinatrangkaso,kahit hindi ka na magkanda-gulapay pagbangon,pupunta ka pa rin?’ oo nga ano,kasi ayoko syang mamuti ang mata kahihintay.ayoko syang magmukhang tanga kalilingon sa kaliwa, kanan at likuran.kasi ayoko syang maghintay sa hindi naman dadating.ayokong maghintay sya sa wala…oo nga,pagod na ako kahihintay, sya ang tipo ng taong itetext ako na hindi sya makakapunta pagsapit ng alas-nwebe ng gabi.kaya naman ang nasabi ko ay,
“tangna, bahala ka…” tut…tut…tut…
binaba ko na ang cellphone ko.nag-aalab ang aking pagkainis, pero pinilit kong itago, dahil nasa simbahan ako. tinapos ko ang misa, sa pag-aakalang pupunta rin sya.nagkamali ako.nagsimula nang lumabas ang mga tao sa simbahan.bawat isa sa kanila ay nakangiti at nagpaplano pang pumunta sa SM.at bawat magkaparehang dumaan sa harapan ko ay tila ba nang-iinggit sa mga matatamis na ngiti nila sa isa’t isa.nakakabalisa.nakalabas na ang mga tao, at pumapasok naman ang iba para sa 5o’clock mass.dinayal ko ulit ang number nya…
“the subscriber cannot be rea…”pinatay ko na.alam kong kahit magdamag akong tumawag, hindi nya yun sasagutin.lagi yun.pinapatay ang cellphone nya para hindi sya macontact, kahit ilang araw o linggo ang lumipas, hanggang gusto nya.kahit na nag-aalala ka na kung baka pinasok ang bahay nila, o may killer na napapabalita sa buong kabayanan..
dati ay ok lang yun dahil kahit patay ang cell nya, hinahanap ko naman sya dahil ayokong mawala ang communication namin sa isat-isa.hinahanap ko sya sa lahat ng internet shop.nag-aalala din naman ako na baka may lumapit na manyakis sa kanya.wala akong magagawa dun dahil wala ako kung mangyayari man yun.kaya sa much as possible, ako na mismo ang iiwas na mangyari yun, kahit na hatinggabi ay maghahanap ako, dahil lampas hatinggabi sya umuuwi pagkatapos mag-internet.naiinis din ako pag minsan dahil kahit may date kami, ika-cancel nya dahil puyat daw sya nung gabi.ok lang, pero malalaman ko na lang na nag-internet pala sya magdamag at umuuwi ng 7 ng umaga.nakakabadtrip di ba?kung aaliwin mo na nga naman ang sarili mo, iwasan mong wag madamay ang iba, di ba?
pero ngayon, iba na, napagod na akong maghanap, kasi magagalit naman sa akin pag nahanap ko sya, sinasabi nya sa kn na kung pede ay ibigay ko sa kanya ang araw na yun para sa sarili nya.ok, time for yourself, ok yun.pero next day, nd mo pa rin macocontact, time for herself pa rin.ok pa rin, baka extension.next day, nd pa rin macontact.next day,next day, next day, next day….shyet, abusado.internet everyday, ubos pera.pero pag date na, ako na lang palagi, ala daw sya pera.unfair.may panginternet magdamag pero kahit man lang pambili ng isaw wala.nakakapagod din namang maging martyr.nakakapagod din ang abusuhin.nakakapagod din naman talaga.
back to the story, pagkatapos ng mass, sumakay ako ng tricycle papunta sa kanila, nagmadali pa ako.gagong tricycle driver un, doble siningil sa kin!!pagpunta ko dun, kumatok ako ng kumatok sa pinto.ala nasagot.kumatok ng kumatok.
tok..tok..
tok..tok..
tok..tok..
tok..tok..
tok..tok..
tok..tok..
tok..tok..
tok..tok..
tok..tok..
tok..tok..
tok..tok..
tok..tok..
tok..tok..
tok..tok..
katok pa…
tok..tok..
tok..tok..
tok..tok..
tok..tok..
tok..tok..
tok..tok..
tok..tok..
di ko alam, 15 minutes ata ako dun nagkakakatok.
tapos lumabas sya ng kwarto, mukhang kababangon lang. umatras naman ako ng pintuan.andun sya sa may pintuan.hindi ako nagsasalita, hinihintay ko na magsorry naman sya kahit papano.cancelled na naman ang lakad namin. na naman. na naman.ala sya iniimik.hanggang sa sinabi nya na,
“kung wala kang sasabihin, pwede ka nang umalis”
nagsabog ng lagim ang kalangitan.sumabog ang lahat ng bulkan.nabiyak ang lupa at nilamon ako ng buong-buo!!paksyet, totoo ba ang narinig ko? feeling ko, ang kapal ng mukha nya.i lost my temper…tinumba ko bigla ang sampayan nila.
“Ikaw pa ngayon ang may ganang magalit?!!!”,medyo nabubulol pa ako.
nagwalk-out ako at hindi na lumingon pa ulit.sinabi ko sa sarili ko habang papalayo ako, na hinding-hindi ko na syang hahabulin pa para mag-usap kami about this matter.sobra na ata yun.kasi pag nag-away kami, ako na lang lagi ang naghahabol para mag-usap kami, at least for the last 2 years.pinipilit kong tumawag at magtext kahit pinatay nya ang cellphone nya.
monday.
ala pa rin sya tinetext,missed call,nothing..
tuesday.
nada.
wednesday.
sinira ko na ang pride ko.after my 1pm class, tumawag ako.nagriring yung phone…tapos biglang,”tut..tut..tut..”kinancel nya yung call. inulit ko, baka namali lang ng pindot, “tut..tut..tut..”cancel ulit.na naman. ganito ang lagi nyang ginagawa bago patayin ng sobrang tagal ang phone nya.cancel ang tawag mo.bastusan na to.tapos, tumawag ulit ako baka mali ulit ng pindot,sa wakas sinagot nya, tapos biglang,”tut…tut…tut…”end yung call. ubos ulit load ko.parang nabastos naman ata ako dun.kaya naman nagtext na lang ako at hopefully not the last text to her:
“fyn..ayoko n.ngsswa n k ng gn2..parang kslanan k p n mainjan at palayasn kht aku n ang pmnta.
ayoko n tlga,nhhrpn n k.kng nkkpgcmpete k,panalo k n..”
nahihirapan na talaga ako..ako na nga ang naghanap ng way para magka-usap kami,ganun pa ang gagawin nya.
well,ito LANG naman ang point of view ko sa nangyari.maaring may mali akong nagawa, pero feeling ko,mali din sya.
bahala na po kayo kung sino sa palagay nyo ang mas may point.
gabi na, uwi na ko…